Mga Pamahiin

Mga Pamahiin

Bulanggugo
Bulanggugo

August 26th, 2004, 7:28 pm #1

MGA PAMAHIING PILIPINO
Bulanggugo …2004


Mga pamahiin daw ay mga paraan
Ng mga ninuno’t kanununuan
Upang sa pagkilos at mga kalakaran
Sa mga pamayanan maging panuntunan.

Sa nakalipas na pag-inog ng buhay
Mga pamahiin ay nagsilbing gabay.
Naging kalinangan sa pang-araw-araw
At ang bawa’t isa may babalang taglay.

Halina’t balikan, unawain natin
Ang ilan sa ating mga pamahiin
Kung sa panlasa nyo ito ay maasim
Ang layon ko lamang kayo’y patawanin.


1.
Kapagka gabi at may natutulog na
Huwag magwawalis di ito maganda.
Mga alupihan ay papatakan ka
Kung hindi ay ahas, ang sabi ng iba.

Eh papaano naman hindi ba nung araw
Ang banig sa sahig ang tinutulugan.
Walis ting-ting mandin ay iyong subukan
Tiyak magigising itong sambahayan.

2.
Matapos na maligo, basa pa ang buhok
Kapag natulog ka, utak mo’y iikot.
Kaya kung buhok ay lampasan sa batok
Sa pagpapatuyo inabot ng antok.

Eh papaano ba naman hindi ba nung araw
Inaarmirol ang mga punda ng unan
At kahit pa ngayon iyo ngang subukan
Una’y basang-basa kinaumagahan.

3.
Kapag panahon na babae ay buntis
Saan mang pintuan ay pinaaalis.
Sa panganganak daw tiyak na tatangis
Baka ang sakit ay di kayang matiis.

Kung bakit ba naman ikaw na kagampan
Na doble ang laki dahil sa ‘yong tiyan
Kapag tumigil ka duon sa pintuan
Wakang ibang duon ay makakaraan.

4.
Pinakakaiwasan sa isang pamilya
Sa isang taon ay dalawa’ng mag-asawa.
Pag sukob sa taon may malas na isa
Isa-isa lang panganay ang ma-una.

Malaki ang gastos nitong magpakasal
Lalo sa probinsya ito’y patalbugan.
Kung dalawang beses malaking gastos yan
Kamukat-mukat mo baon ka sa utang.

5.
Kung ikaw’y patungo sa isang sugalan
At may pusang itim na tumawid sa daan.
Huwag ka nang tumuloy mamalasin ka lang
Pera mo sa bulsa tiyak lilimasan.

Misis at magulang sa sugal ay inis
Di lang makapalag kaya nagtitiis.
Pusa sa daanan ay pinatatalilis
Upang ang asawa’y huwag nang umalis.

Kung may alam kayong mga pamahiin
Aking paanyaya ay inyong ihain
Ano ang dahilan, ano ang layunin
At ang mga ito sa lahi’y ‘sinalin?
Quote
Share

10 madridejos bagabaldo
10 madridejos bagabaldo

August 26th, 2004, 10:33 pm #2


nakakaaliw basahin.sana madagdagan pa!.congratz,Bulanggugo!!! more power.


ten
Quote
Share

Saida
Saida

August 27th, 2004, 3:10 am #3

MGA PAMAHIING PILIPINO
Bulanggugo …2004


Mga pamahiin daw ay mga paraan
Ng mga ninuno’t kanununuan
Upang sa pagkilos at mga kalakaran
Sa mga pamayanan maging panuntunan.

Sa nakalipas na pag-inog ng buhay
Mga pamahiin ay nagsilbing gabay.
Naging kalinangan sa pang-araw-araw
At ang bawa’t isa may babalang taglay.

Halina’t balikan, unawain natin
Ang ilan sa ating mga pamahiin
Kung sa panlasa nyo ito ay maasim
Ang layon ko lamang kayo’y patawanin.


1.
Kapagka gabi at may natutulog na
Huwag magwawalis di ito maganda.
Mga alupihan ay papatakan ka
Kung hindi ay ahas, ang sabi ng iba.

Eh papaano naman hindi ba nung araw
Ang banig sa sahig ang tinutulugan.
Walis ting-ting mandin ay iyong subukan
Tiyak magigising itong sambahayan.

2.
Matapos na maligo, basa pa ang buhok
Kapag natulog ka, utak mo’y iikot.
Kaya kung buhok ay lampasan sa batok
Sa pagpapatuyo inabot ng antok.

Eh papaano ba naman hindi ba nung araw
Inaarmirol ang mga punda ng unan
At kahit pa ngayon iyo ngang subukan
Una’y basang-basa kinaumagahan.

3.
Kapag panahon na babae ay buntis
Saan mang pintuan ay pinaaalis.
Sa panganganak daw tiyak na tatangis
Baka ang sakit ay di kayang matiis.

Kung bakit ba naman ikaw na kagampan
Na doble ang laki dahil sa ‘yong tiyan
Kapag tumigil ka duon sa pintuan
Wakang ibang duon ay makakaraan.

4.
Pinakakaiwasan sa isang pamilya
Sa isang taon ay dalawa’ng mag-asawa.
Pag sukob sa taon may malas na isa
Isa-isa lang panganay ang ma-una.

Malaki ang gastos nitong magpakasal
Lalo sa probinsya ito’y patalbugan.
Kung dalawang beses malaking gastos yan
Kamukat-mukat mo baon ka sa utang.

5.
Kung ikaw’y patungo sa isang sugalan
At may pusang itim na tumawid sa daan.
Huwag ka nang tumuloy mamalasin ka lang
Pera mo sa bulsa tiyak lilimasan.

Misis at magulang sa sugal ay inis
Di lang makapalag kaya nagtitiis.
Pusa sa daanan ay pinatatalilis
Upang ang asawa’y huwag nang umalis.

Kung may alam kayong mga pamahiin
Aking paanyaya ay inyong ihain
Ano ang dahilan, ano ang layunin
At ang mga ito sa lahi’y ‘sinalin?
Ayon sa mga matatanda ay huwag daw tayong maulit, wala daw namang mawawala kung susunod sa mga pamahiin....ay sya hala!

teka, mag iisip muna ako.....
Quote
Share

Bulanggugo
Bulanggugo

August 27th, 2004, 11:01 am #4

nakakaaliw basahin.sana madagdagan pa!.congratz,Bulanggugo!!! more power.


ten
Ten,
Kung may naiisip kang pamahiin at hindi mo makuha ang ibig ipahatid, paki post mo lamang at hahanap tayo ng kasagutang patula, at nakakaaliw.

Salamat

Ming a.k.a. Bulanggugo
Quote
Share

ten madridejos bagabaldo
ten madridejos bagabaldo

August 29th, 2004, 6:09 am #5

daw yong ang "kama" o "higaan" ay nasa tapat na tapat ng pintuan ng kwarto? (yong mga paa ay nasa mismong paanan ng pintuan).At saka anong ibig sabihin ng "ulong patay"?

totoo din baga na pag naligo ka ng "Biernes Santo" ay magiging bato ka?,hahahaha.Masama din baga yong ang hagdan ay katapat ng "front door"? at masama din yong ang mga pintuan ng mga kwarto at magkakatapat?

bakit masamang "magturo" pag tayo ay nasa kaingin? baka daw "mamatanda"? yun baga yun?.Pag may patay,bakit masama daw maligo? at masamang kumain ng mga "gumagapang" na gulay?.Bakit daw pag buntis ang nakikipaglibing ay bakit dapat daw ay nauuna sya doon sa patay sa paglalakad papuntang panchong? ang dami kong tanong ano?,pasensya ka na ha,Ming.

anyway,ito na lang muna at wala na akong maisip.Maraming salamat Ming dito sa "portion" na ito "Mga Pamahiin".God bless at ingat.


"ten"





Quote
Share

luz valdellon
luz valdellon

August 31st, 2004, 11:02 pm #6

Ayon sa mga matatanda ay huwag daw tayong maulit, wala daw namang mawawala kung susunod sa mga pamahiin....ay sya hala!

teka, mag iisip muna ako.....
hey saida,
huwag ka ng mag-isip, subukan mong maging maulit at wala
ring mawawala nadagdagan lang ng kaulitan.(lol)
Quote
Share

bertangtribya
bertangtribya

September 1st, 2004, 12:13 am #7

daw yong ang "kama" o "higaan" ay nasa tapat na tapat ng pintuan ng kwarto? (yong mga paa ay nasa mismong paanan ng pintuan).At saka anong ibig sabihin ng "ulong patay"?

totoo din baga na pag naligo ka ng "Biernes Santo" ay magiging bato ka?,hahahaha.Masama din baga yong ang hagdan ay katapat ng "front door"? at masama din yong ang mga pintuan ng mga kwarto at magkakatapat?

bakit masamang "magturo" pag tayo ay nasa kaingin? baka daw "mamatanda"? yun baga yun?.Pag may patay,bakit masama daw maligo? at masamang kumain ng mga "gumagapang" na gulay?.Bakit daw pag buntis ang nakikipaglibing ay bakit dapat daw ay nauuna sya doon sa patay sa paglalakad papuntang panchong? ang dami kong tanong ano?,pasensya ka na ha,Ming.

anyway,ito na lang muna at wala na akong maisip.Maraming salamat Ming dito sa "portion" na ito "Mga Pamahiin".God bless at ingat.


"ten"




sa punsoy, kung alin daw parte ng katawan ang natapat sa pintuan (usually nga paa)iyon ang magkakadiprensya, madalas rayuma or any footdisease(ulo pa kaya ang matapat?) ang remedyo daw,laging isarado ang pinto ng kubeta(provide door closer). Masama sa chinese ang me hukay sa loob ng bahay. (kaya sa underground ng bahay madami silang pangontra)

ang payo sa chinese wag na lang pumunta sa patay hangga't maari ang buntis at kungdi maiwasan, isa ang iyong nabanggit na ginagawa para di daw sya mahirapan sa panganganak.

Good Friday is time for fasting and abstinence. Some abstain from gambling, smoking,drinking,saying badwords, pagiging masaya,etc at pati pagligo. kuru-kuro lang marahil sa matatanda nung araw pagnaligo ang anak me pupuntahang kasayaha't yun ang panakot nila.

Ang front door na katapat ng hagdan yung swerteng iaakyat mo madali din daw lalabas o mawawala. pag katapat nama'y exit door lalabas din daw agad ang swerte.

















Quote
Share

10 madridejos bagabaldo
10 madridejos bagabaldo

September 1st, 2004, 3:21 am #8


for the "infos" tungkol sa mga tanong ko sa mga "pamahiin".taga Payti ka rin baga?

Salamat sa iyo,
ten
Quote
Share

Bulanggugo
Bulanggugo

September 3rd, 2004, 2:15 pm #9

daw yong ang "kama" o "higaan" ay nasa tapat na tapat ng pintuan ng kwarto? (yong mga paa ay nasa mismong paanan ng pintuan).At saka anong ibig sabihin ng "ulong patay"?

totoo din baga na pag naligo ka ng "Biernes Santo" ay magiging bato ka?,hahahaha.Masama din baga yong ang hagdan ay katapat ng "front door"? at masama din yong ang mga pintuan ng mga kwarto at magkakatapat?

bakit masamang "magturo" pag tayo ay nasa kaingin? baka daw "mamatanda"? yun baga yun?.Pag may patay,bakit masama daw maligo? at masamang kumain ng mga "gumagapang" na gulay?.Bakit daw pag buntis ang nakikipaglibing ay bakit dapat daw ay nauuna sya doon sa patay sa paglalakad papuntang panchong? ang dami kong tanong ano?,pasensya ka na ha,Ming.

anyway,ito na lang muna at wala na akong maisip.Maraming salamat Ming dito sa "portion" na ito "Mga Pamahiin".God bless at ingat.


"ten"




Paunang sinabi’y aking uulitin
Katuwaan laang huwag seryusohin
Haka-haka itong may isang layunin
Alalahanin ang mga pamahiin.

Kahit naman sino at kahit na saan
Sinong matutuwang bahay ay hukayan
Pagpigil sa tubig o bukal di alam
Kaya binabaha ang mga “underground.”

Bawal ang maligo kapag Biernes Santo
Magiging bato ka ang sabi ni Lolo.
Araw na abala ang lahat ng tao
“Bakit paliligo ang inaatupag mo?”

Ang babaeng buntis pinagbabawalan
Dumalaw sa patay na pinaglalamayan.
Alam naman kasing buntis ay maselan
Paano kung sakit siya’y mahawahan.

Lalo nang di dapat sumama sa libing
Mainit at mahaba itong lalakarin
Baka sa kalsada ikaw ay abutin
Ang kumadrona mo saan hahanapin?

Kaya kung mapilit ay mauna ka na
Sumakay sa tri-cycle o kaya’y karitela
Upang di mapagod at makapahinga
Bago umatungal hintayin mo sila.
Quote
Share

ten madridejos bagabaldo
ten madridejos bagabaldo

September 4th, 2004, 1:04 am #10


maraming salamat sa maganda mong tula tungkol sa mga tanong ko dito sa mga pamahiin.magaling ka rin palang makata at likas na yata sa mga taga Paete ang pagiging "masining".congratz at sana ay may maisip pa ako at ng magawan mo uli ng tula.

mabuhay ka Ka Ming!!!.kumusta na lang kay Liza...


regards,
ten
Quote
Share