Kahulugan ng mga Pangalan ng Tauhan sa Noli - for glenda

Kahulugan ng mga Pangalan ng Tauhan sa Noli - for glenda

Joined: May 23rd, 2006, 1:41 pm

June 24th, 2006, 3:41 pm #1

Na-received ko ang e-mail mo, subalit dahil sa ganda ng mga tanong mo ay cut and paste ang ginawa ko para ma-i-post dito sa forum:

Mga Kahulugan ng Pangalan ng mga Tauhan sa Noli Me Tangere:

Si Rizal ay isang manunulat na hindi nagsayang ng salita para sa kaniyang nobela, dahilan dito ay maging ang mga pangalan ng kaniyang mga tauhan ay mayroong mahalagang kahulugan na kakatawan sa ideyang kanilang tataglayin sa kabuuan ng nobela. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

1. Ibarra - tandaan na ang tunay na pangalan nito ay JUAN CRISOSTOMO IBARRA y MAGSALIN. tandaan na si Ibarra ay dugong Espanyol, subalit sa apelyido sa ina ay nagpapakita na siya ay may dugo ng isang purong Pilipino. Subalit ang hindi pinapansin na pangalan (laging tinatawag na Ibarra ng mga mag-aaral at maging si Rizal ay ang kaniyang tunay na pangalan na JUAN CRISOSTOMO.

Kinuha ni Rizal ang pangalang Juan Crisostomo sa isang butihing santo ng simbahan na tumutol sa pagmamalabis ng kaniyang mga kapwa pari at sa katiwalian at pagmamalabis ng mga pinuno ng pamahalaan sa lugar na kaniyang kinaroroonan. DAHILAN SA GANITONG PANININDIGAN NI SAN JUAN CRISOSTOMO, siya ay ipinatapon sa malayong lugar.


2. ELIAS - .maaring hinango ni Rizal ang pangalan na ito ng kaniyang paboritong tauhan mula sa propeta ng Israel na si Elias na nakiharap at humamon sa mga pari ni Baal na noon ay nagpasok ng ibang mga diyos at diyos-diyosan (graven image) sa Israel. Ginamit ni Rizal si Elias, bilang isang lihim na simbolo ng pagtutol ni Rizal ng paggamit ng mga rebulto ng mga santo sa loob ng kolonyal na simbahan:

Maaring makita ang katotohanan ng panlalait ni Rizal sa mga rebulto sa Kabanata 6 - Kapitan Tiyago at ilan pang mga kabanata ng ginawang pang-aasar ni Pilosopo Tasyo sa mga santo na nagdadaan sa panahon ng prusisyon sa bayan ng San Diego.

SUNDAN PA ANG PAGSUSURI NG MARAMI PANG MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE
Quote
Like
Share

jojo
jojo

July 17th, 2006, 4:08 am #2

Galing! Sa dami ng mga Rizaliana books na nabasa ko, unique ang impormasyon dito. Pero sana marami pang karakter ang binigyang kahulugan ang kanilang pangalan. Makatutulong ito sa pagtuturo namin ng Noli Me Tangere. Maraming Salamat. Hintayin ko po.
Quote
Share

saliksikan
saliksikan

July 17th, 2006, 11:27 am #3

http://www.geocities.com/cavitesu/bioriz.htm
HINDI LAMANG ANG PANGPALAN ANG INYONG MAKIKITA
KUNDI ANG KATUTURAN AT SIMBOLISMO NI RIZAL...
Quote
Share

saliksikan
saliksikan

July 18th, 2006, 12:17 am #4

salamat sa pagpapahagala sa aking pagsisikap.
Asahan mo na sa mga susunod na araw ay ipo-post ko ang mga karagdganag inpormasyon.

Inaanyayahan ko rin na isa ka sa babasa sa JOSE RIZAL CODE
na makikita mo pag nagsearch ka sa google ng JOSE RIZAL.
Quote
Share

Krisostomo Ibarramendia
Krisostomo Ibarramendia

May 3rd, 2007, 4:38 am #5


Ako po ay maraming taon nang nagturo ng mga nobela ni Rizal kabilang na ang Noli at Fili. Lubos ang aking interes na malaman na kung ang pinakamamahal bang karakter ni Rizal na si Maria Clara ay "nagpakamatay" o "namatay "
(Batid po natin ang pagkakaiba ng kahulugan ng dalawang wika)Sa Noli ni G. Virgilio Almario, huling bahagi ng aklat ay nabanggit na ang babaing nananangis sa tuktok ng kumbento ay si Maria Clara. Kinabukasan, pinagbigay alam ito sa kinauukulan at ang babae ay isinumbong na nasisiraan ng bait? Sa mga aklat Fili, si Maria Clara ay namatay mismo sa loob ng kumbento ng Sta. Clara? Ano po ba talaga ang kinasapitan ni Ma. Clara? Maraming Salamat Po. Isa po itong malaking tulong sa pag-unawa ng nobela ng Noli at Fili.
Quote
Share

saliksikan
saliksikan

May 24th, 2007, 10:44 pm #6

magkaiba ang babeng nasa bubungan ng kumbento ng santa clara- si pepita estrada iyon.
si Maria Clara ay ginahasa sa loob ng kumbento ng santa clara ni Padre Salvi at sa mahabang panahon ng paghihirap ay namatay sa loob ng kumbento.

Quote
Share

saliksikan
saliksikan

June 3rd, 2007, 1:17 pm #7

Magakaiba ang babae na umiiyak sa bubungan ng kumbento ng Santa Clara - iyon po ay si Pepita Estrada na isang anak ng mayamang angkan sa Binondo at ang lalaki na isang mataas na kawani na bumisita kay Pepita Estrada ay si Vicente Barrantes. Alam po ni Rizal ang naging kaganapan kay Pepita Estrada at ang hindi pagkupkop ni Barrantes sa nasabing dalaga. Lumilitaw sa aking pag-aaral na naging kaganapan kay Pepita Estrada ay isang iskandalo noong kapanahunang iyon.

Quote
Share

Mary Grace
Mary Grace

June 13th, 2007, 10:53 am #8

salamat sa pagpapahagala sa aking pagsisikap.
Asahan mo na sa mga susunod na araw ay ipo-post ko ang mga karagdganag inpormasyon.

Inaanyayahan ko rin na isa ka sa babasa sa JOSE RIZAL CODE
na makikita mo pag nagsearch ka sa google ng JOSE RIZAL.
gs2 q mlaman lhat ng talambuhay nya
lyk kung kelan xia pnanganak
ahhh!! bsta poh lht ng mga impormasyon
tungkol po kay Dr. Jose Rizal yun lng po!!.
Quote
Share

kim
kim

June 16th, 2007, 8:40 am #9

Na-received ko ang e-mail mo, subalit dahil sa ganda ng mga tanong mo ay cut and paste ang ginawa ko para ma-i-post dito sa forum:

Mga Kahulugan ng Pangalan ng mga Tauhan sa Noli Me Tangere:

Si Rizal ay isang manunulat na hindi nagsayang ng salita para sa kaniyang nobela, dahilan dito ay maging ang mga pangalan ng kaniyang mga tauhan ay mayroong mahalagang kahulugan na kakatawan sa ideyang kanilang tataglayin sa kabuuan ng nobela. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod:

1. Ibarra - tandaan na ang tunay na pangalan nito ay JUAN CRISOSTOMO IBARRA y MAGSALIN. tandaan na si Ibarra ay dugong Espanyol, subalit sa apelyido sa ina ay nagpapakita na siya ay may dugo ng isang purong Pilipino. Subalit ang hindi pinapansin na pangalan (laging tinatawag na Ibarra ng mga mag-aaral at maging si Rizal ay ang kaniyang tunay na pangalan na JUAN CRISOSTOMO.

Kinuha ni Rizal ang pangalang Juan Crisostomo sa isang butihing santo ng simbahan na tumutol sa pagmamalabis ng kaniyang mga kapwa pari at sa katiwalian at pagmamalabis ng mga pinuno ng pamahalaan sa lugar na kaniyang kinaroroonan. DAHILAN SA GANITONG PANININDIGAN NI SAN JUAN CRISOSTOMO, siya ay ipinatapon sa malayong lugar.


2. ELIAS - .maaring hinango ni Rizal ang pangalan na ito ng kaniyang paboritong tauhan mula sa propeta ng Israel na si Elias na nakiharap at humamon sa mga pari ni Baal na noon ay nagpasok ng ibang mga diyos at diyos-diyosan (graven image) sa Israel. Ginamit ni Rizal si Elias, bilang isang lihim na simbolo ng pagtutol ni Rizal ng paggamit ng mga rebulto ng mga santo sa loob ng kolonyal na simbahan:

Maaring makita ang katotohanan ng panlalait ni Rizal sa mga rebulto sa Kabanata 6 - Kapitan Tiyago at ilan pang mga kabanata ng ginawang pang-aasar ni Pilosopo Tasyo sa mga santo na nagdadaan sa panahon ng prusisyon sa bayan ng San Diego.

SUNDAN PA ANG PAGSUSURI NG MARAMI PANG MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE
oi do u know about talinhaga sa
Quote
Share

pilosopo
pilosopo

June 21st, 2007, 9:30 am #10

marygrace,
kung gusto mong malaman ang lahat sa kaniya - basahin mo ang lahat ng biography tungkol sa kaniya at mga sinulat niya - ang dali lang di ba? start ka na at bago ka magkaapo tiyak na tapos ka na
Quote
Share